Photo Credit: Kendra Miller (Creative Commons) Paulit-ulit sinasabi sa sarili, gugunitain ang araw ng iyong paglisan. Buwan-buwan babalik sa lugar kung saan unang nag-tama ang ating mga mata, kung saan sabay nating pinag-aralan ang isa’t-isa, kung saan ako bumuo ng mga pangarap– pangarap na dapat ay kasama ka, at kung saan tayong dalawa ay bumuo ng munting ala-ala. At doon ay pipikit, ngingiti, luluha at sasariwain ang mga araw na may bakas pa ng ligaya sa ating mga mukha. Kasabay ng bawat buwan na lumilipas na wala ka, napapansing unti-unti na rin lumilipas ang nadarama. Wala ng ngiti sa aking mga labi, wala na ring tumutulong luha sa mga pisngi. Batid kong madalas ka pa rin sumagi sa aking isip ngunit hindi ko na mawari kung ang nadarama ko ngayon ay maihahambing pa rin sa dating pag-ibig Hanggang sa dumating ang araw nakaligtaang gunitain ang araw ng iyong paglisan. Wari’y puso ay nakalimot na, Mga bagay na nagpapa-alala ng tamis at pait ay itatapon na. Handa na ako. At tanggap ko na. Ngunit sa kabila ng lahat, masasabi mo ba’ng puso’y tuluyan nang nakalaya? Kung hanggang sa ngayon, ikaw pa rin ang laman nitong mga tula? SHARE THIS ARTICLE: |
Esthete:
'es-theet' (n.) A person who affects great love of art, music, poetry, etc., and indifference to practical matters. El Esthete or The Aesthete in English, is where I share my Literary works, artworks, and everything else in between. Categories:
All
Join the tribe:
UPCOMING EVENTS:
2018 Komiket
February 24 and 25, 2018, 9AM-7PM, The Elements at Eton Centris |