Isa… dalawa… tatlo… apat… lima… anim… pito… walo… siyam… sampu… labing-isa… labing-dalawa… labing-tatlo… labing-apat… labing-lima… labing-anim… labing-pito… labing-walo… labing-siyam… ilang bilang na nga lang ba ang nala-labi bago sumapit ang isang buong araw? Isa… dalawa… tatlo… apat… lima… anim… pito… walo… siyam… siyangangang kailangan ko nang tapusin ang pagbibilang bago pa maubos ang daliri sa aking mga kamay. Lumipas ang oras. Lumipas ang ilang araw at ilang gabi. Hindi ka pa rin lumilitaw sa dilim. Nahihibang. Nalilito. Naliligaw. Hindi ko pa rin matagpuan kung saan ako lulugar. Mag-hihintay. Mag-hihintay. Mag-hihintay? Mag-hihintay o tatanggapin kong tuluyan ka nang lumisan? Lumisan ng walang paalam. Hindi alam kung saan pupuntahan. Hindi alam kung nais pa akong mahagkan. Hindi alam kung mayroon pa nga bang dulo na walang hanggan. Isa… dalawa… tatlo… apat… lima… anim… pito… walo… siyam… sampu… labing-isa… labing-dalawa… labing-tatlo… labing-apat… labing-lima… labing-anim… labing-pito… labing-walo… labing-siyam… hindi ko na mabilang kung ilang beses kitang tinawagan. Nang-hi-hina. Naninigas. Nangangatal. Hindi alam ang dahilan kung bakit ako’y biglang iniwan. Hindi alam saan mag-sisimula. Hindi alam saan wawakasan. Pag-ibig na saiyo lamang ini-alay. Tuluyan na nga ba’ng mawawalan ng saysay? Isa… dalawa… tatlo… pagbukas ng mga mata ko, Nawa’y liwanag mo ang muling masilayan ko. SHARE THIS BLOG: Sulyap mula sa likuran ng mga ulap Mga ibong pumapagaypay sa alapaap Maamong tinig mula sa kawalan Dahan-dahang pag-alon ng tubig sa karagatan Photo Credit: Kendra Miller (Creative Commons) Paulit-ulit sinasabi sa sarili,
gugunitain ang araw ng iyong paglisan. Buwan-buwan babalik sa lugar kung saan unang nag-tama ang ating mga mata, kung saan sabay nating pinag-aralan ang isa’t-isa, |
Esthete:
'es-theet' (n.) A person who affects great love of art, music, poetry, etc., and indifference to practical matters. El Esthete or The Aesthete in English, is where I share my Literary works, artworks, and everything else in between. Categories:
All
Join the tribe:
UPCOMING EVENTS:
2018 Komiket
February 24 and 25, 2018, 9AM-7PM, The Elements at Eton Centris |