Sulyap mula sa likuran ng mga ulap Mga ibong pumapagaypay sa alapaap Maamong tinig mula sa kawalan Dahan-dahang pag-alon ng tubig sa karagatan Mga bituin na pilit na kumikislap ‘pag sasapit na ang ulan Hangin na dumadampi sa aking mga labi Hangin na bumubulong at nangungusap Hangin na yumayapos sa hupyak kong katawan Pagsikat muli ng araw sa silangan Pamumukadkad ng mga bulaklak Paghalik ng mga diwata sa talulot nito Paghalik mo sa mga labi ko Nakakahon aking mundo Bilanggo sa aking puso Nagpupumiglas, nais tumakbo Habang patuloy parin ang pag-indak sa tinig mo Umahon ng nakatingkayad Mga kamay ay ikinumpas Kinang sa aking mga labi Paglingon ay wala ka na sa paningin Mga tinig na nakabibingi Oyayi mong nakabibingi Awit mong nakabibingi Katahimikan na bumasag sa lahat ng nadirinig Pagbuhos ng ulan Pagkulog at pagkidlat Pagtaas ng tubig Mga alon na humahampas sa aking dingding Dugo ay umaagos sa pisngi Pilit ibinabalik ang kinang sa mga labi Katawan ay pilit na nagpapa-agos sa iyong awitin Tuloy ang pag-indak sa ibabaw ng apoy Uod na nilamon ang katawan ko Pagpunta sa kabilang daigdig ng aking abo Huling anino ko Kaluluwang nag-aabang sa’yo SHARE THIS ARTICLE: |
Esthete:
'es-theet' (n.) A person who affects great love of art, music, poetry, etc., and indifference to practical matters. El Esthete or The Aesthete in English, is where I share my Literary works, artworks, and everything else in between. Categories:
All
Join the tribe:
UPCOMING EVENTS:
2018 Komiket
February 24 and 25, 2018, 9AM-7PM, The Elements at Eton Centris |